Airboats, pick-up trucks, itinurn over ng MILG sa BARMM READi
- Jan 16
- 2 min read
iMINDSPH

Pormal na itinurnover ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ang siyam (9) na makabagong airboats at dalawang (2) pick-up trucks sa Bangsamoro READi Operations Center sa Cotabato City noong Enero 15, 2026, bilang bahagi ng Supplemental Fund Fiscal Year 2024 at 2025, kabilang ang Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng limang miyembro ng Bangsamoro Parliament.
Layunin ng turnover na ito na palakasin ang kakayahan ng rehiyon sa disaster response, rescue operations, at community service, lalo na sa mga geographically challenged at vulnerable areas.
Ang Ceremonial Turnover at Signing of the Memorandum of Agreement ay bunga ng adbokasiya at pondo nina MP Atty. Omar Yasser Sema, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Haron Abas, Atty. Sittie Fahanie Uy-Oyod, at Hashemi Dilangalen, na naglaan ng kanilang Supplemental Fund at TDIF para sa mga kagamitan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, binigyang-diin ang adyenda ng Moral Governance at SammyGamBARMM, na nakatuon sa pagbibigay ng serbisyong malapit sa mamamayan.
Ayon kay MILG Bangsamoro Director General Engr. Khalid Dumagay, CESE, malinaw na patunay ang turnover ng “sama-samang layunin na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.”
Samantala, sinabi ni MILG Deputy Minister Eddie Mapag Alih na ang mga airboats ay magiging mahalagang lifeline para sa mga pamayanang nasa paligid ng Liguasan Marsh, habang ang mga 4x4 pick-up trucks ay magpapabilis sa inland operations at pagtugon ng mga LGUs at community organizations.
Nagpasalamat ang mga benepisyaryo ng proyekto. Ayon kay Barangay Chairman Den Diocolano ng Tamontaka 5, malaking tulong ang airboat hindi lamang sa rescue operations kundi pati na rin sa pagpigil sa illegal fishing na nakaaapekto sa kabuhayan ng residente.
Sinabi rin ni Zukarno Nur ng Bagua Uno Farmers and Fisherfolks Association na ang pick-up truck ay magpapahusay sa kanilang administrative at field operations.
Binigyang-diin ni MP Omar Yasser Sema ang responsibilidad ng MAG tatanggap na pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga kagamitan para sa kapakanan ng mamamayan.
Nagwakas ang programa sa paninindigan ng mga sponsoring MPs na ang mga kagamitan ay simbolo ng pamahalaang nakikinig, kumikilos, at tunay na nagmamalasakit sa mamamayang Bangsamoro.



Comments