ALAB at HOMES programs ng Project TABANG, nagsagawa ng validation at assessment sa mga benepisyaryo sa 4 na barangay ng Datu Blah Sinsuat
- Diane Hora
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng patuloy na Humanitarian Response and Services initiatives sa ilalim ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, nagsagawa ng assessment at validation sa mga target beneficiaries ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB at sa Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs o HOMES Programs, araw ng Lunes.
Saklaw ng isinagawang validation at assessment ang apat na mga barangay ng Matuber, Pura, Penansaran at Tubuan kung saan isang on-site validation sa mga potensyal na benepisyaryo ang isinagawa.
Tatlong markads naman na nasa mga Barangay ng Pura, Penansaran at Tubuan ang sinuri upang masigurong tama ang datos sa profiling at pagpapabilang nito sa HOMES Program.
Ang pagsasagawa ng ganitong proseso ay isang mahalagang hakbang sa pagsisiguro na ang tulong at suporta mula sa ALAB at HOMES Program ay naipapaabot sa mga lehitimo at karapat-dapat na mga benepisyaryo.
Ang Project TABANG ay kabilang sa flagship programs ng Office of the Chief Minister.



Comments