top of page

“Alaga Kay Nanay, Gabay Kay Baby” Program, inilunsad ng LGU Sultan Mastura

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mismong si Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, kasama ang kanyang maybahay na si Bai Ronda Mastura, na nanguna sa inisyatibang ang “Alaga kay Nanay, Gabay kay Baby, Alagang Sultan Mastura”, isang programa na laan sa bawat ina at bagong silang na sanggol.


Bilang bahagi ng programa, namahagi ang mag-asawang Mastura ng tig-₱1,000 cash assistance, bigas at maternity kits sa mga inang nanganak sa Birthing Clinic ng lokal na pamahalaan mula Hulyo hanggang Oktubre 2025.


Nagbigay din ng anim na electric fan para sa naturang pasilidad upang masiguro ang komportableng serbisyo at maayos na kapaligiran para sa mga pasyente.


Ang Rural Health Unit sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Johaira Usman, ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng nasabing programa.


Dumalo rin sa okasyon sina Municipal Administrator Datu Rauf Mastura at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Faisal Mustapha at Hon. Swebb Mala, bilang patunay ng kanilang buong-suporta sa mga programang pangkalusugan ng administrasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page