top of page

AMA, NASAWI; INA AT 1 TAONG GULANG NA ANAK, SUGATAN Matapos pagbabarilin ang mga ito sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur

  • Apr 6
  • 1 min read

iMINDSPH

Pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay ang mag-pamilya sa Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur pasado alas 12 kaninang madaling araw.


Nasawi ang ama, habang sugatan ang ina at kanilang isang taong gulang na anak.


Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Rajah Buayan Municipal Police Station sa pangunguna ni PSMS Rahib Kunakon, sa pamumuno ni PCPT John Ray Pengosro, kasama ang mga sundalo ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Sa paunang imbestigasyon, natutulog ang pamilya nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.


Matapos ang insidente, mabilis umanong tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon. Wala ring narekober na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.


Agad isinugod sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga sugatan para sa agarang gamutan, habang kinuha na ng pamilya ang labi ng nasawing biktima.


Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa militar, mga kalapit na himpilan, at sa pamilya ng mga biktima upang isagawa ang dragnet operation at mas mapalalim ang imbestigasyon.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page