Amateur Radio Operators Examinations ng Bangsamoro Telecommunications Commission, matagumpay
- Diane Hora
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ito ng Bangsamoro Telecommunications Commission sa Amateur Radio Operators Examination sa Parang National High School, araw ng Sabado, October 11.
Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng National Telecommunications Commission–Radio Operators Examination Committee.
Layunin ng pagsusulit na ito na mabigyan ng lisensya ang mga indibidwal na nais maging amateur radio operators, na maaaring gamitin sa komunikasyon, pampublikong serbisyo at sa panahon ng emergency.
Lumahok sa pagsusulit ang mga aplikante mula sa iba’t ibang bahagi ng mga probinsya ng Maguindanao, kung saan sinubok ang kanilang kaalaman sa radio laws and regulations, basic electronics at radio operating procedures.
Samantala, para sa resulta ng exams, iaanunsyo ito sa official facebook page ng BTC.



Comments