AMBaG Program ng Office of The Chief Minister, umabot na sa 268,221 ang natutulungan sa loob at labas ng rehiyon
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng programang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBAG, umabot na sa 268,221 residente ang natulungan sa loob at labas ng rehiyon.
Sa datos ng AMBAG, umabot na sa ₱1.19 bilyon ang naipamahaging medical assistance at 84% ng mga pasyente ay zero-balance, ibig sabihin wala nang kailangang bayaran sa ospital.
Sa bilang na ito, 115,661 ay kababaihan, 60,938 ang kalalakihan at 91,622 naman ay mga kabataan na edad 15 taong gulang pababa.
Ang tagumpay na ito ay patuloy na isinusulong sa pamumuno ni Chief Minister Abdulraof Macacua, na sinimulang inisyatiba ni BARMM former Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Sa mga nais mag-avail ng AMBAG Program, maaari kayong makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa AlNor Building o di kaya naman ay lumapit sa AMBAG desks sa mga partner hospitals.



Comments