top of page

AMBaG, tuloy-tuloy ang paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng SGA

  • Diane Hora
  • Oct 16
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng AMBaG Program sa mga residente ng SGA.


Personal na nagtungo ang AMBaG Project Management Office sa Dr. Amado B. Diaz Provincial Foundation Hospital upang iabot ang Guarantee Letter.


Ito ay hudyat ng pagbabalik ng libreng serbisyong medikal para sa mga Bangsamoro sa SGA.


Ayon sa AMBaG Program, bahagi ito ng mas pinalakas na inisyatiba para matiyak na tuluy-tuloy ang walang bayad na medical assistance sa mga partner hospitals ng programa.


Kasabay rin nito ang isinagawang regular monitoring sa mga partner hospital upang masigurong naipapatupad nang maayos ang programa at naibibigay ang nararapat na serbisyo sa mga pasyenteng nangangailangan.


Sa kasalukuyan nasa higit apatnapu na ang partner hospitals ng AMBaG sa loob at labas ng Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page