Amnesty grantee na si MP Basit “Jannati Mimbantas” Sarip Abbas, tinanggap ang kanyang Notice of Decision mula sa National Amnesty Commission (NAC)
- Diane Hora
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na iginawad ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento, Commissioner Serme Ayoyao at Commissioner Jamar Kulayan ang Notice of Decision kay MP Basit "Jannati Mimbantas" Abbas ng M!LF.
Isinagawa ito, araw ng Sabado sa Aleem Abdulaziz Mimbantas Memorial Center-MILF Panel Satellite Office, Camp Bushra Samiorang, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur.
Ang Notice of Decision ang na unang dokumento na matatanggap ng isang amnesty grantee bago igawad ang Certificate of Amnesty at Amnesty Identification Card.
Sinabi ni MP Abbas na ang amnestiya isa sa mga major provision na nakasaad sa kasunduan na nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng M!LF. Kaya hinihikayat nito ang kanyang kapwa miyembro na maghain ng aplikasyon.
September 30 nang ilabas ng Malacañang ang listahan ng unang batch ng amnesty grantee kabilang na si MP Abbas at walong dating miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Sa kabuuan, umabot na sa 4,613 ang naghain ng amnesty application sa NAC. 89 dito ang mula sa RPMP-RPA-ABB, 683 ang mula sa M!LF, 3,485 ang mula sa CPP-NPA-NDF at 356 ang mula sa MNLF.



Comments