top of page

Ang 2 magsasaka sa Mamasapano, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng mga ito

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang dalawang magsasaka na nakasakay ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.


Kinilala ang mga biktima na sina alyas "Gohan" at alyas "Lalang", kapwa lalaki, nasa hustong gulang, residente ng Sitio Dacumoya. Dead on the spot ang dalawang biktima sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.


Naganap ang pamamaril, araw ng Miyerkules, February 25.


Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Mamasapano MPS at nakipag-ugnayan sa mga kalapit na himpilan ng pulisya, gayundin sa 34th Infantry Battalion at iba pang pwersa ng pamahalaan sa lugar para sa pagtugis sa mga suspek.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page