top of page

Ang 2 peddlers sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Davao City; Hinihinalang shabu at isang baril, nasamsam

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Dalawang drug peddler ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 42, Midland Village, Davao City bandang ala-1:48 ng madaling araw ng Miyerkules


Nakumpiska ng mga operatiba ang tinatayang Php 68,000 na halaga ng hinihinalang shabu pati na rin ang isang .45 caliber na baril.


Ang operasyon ay isinagawa ng Davao City Police Office (DCPO) sa koordinasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11, 1st at 2nd City Mobile Force Company, Ma-a Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency Region XI (PDEA XI), bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.


Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page