top of page

Angat ang Region 12 Prosecutor’s Office sa lahat ng prosecution office sa buong bansa sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Mariam April Mastura matapos makakuha ng perfect score na 5 para sa unang semestre

  • Diane Hora
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nangunguna sa lahat ng regional prosecution offices sa buong bansa ang Region 12 Prosecutor’s Office o Soccsksargen matapos makakuha ng perpektong iskor na 5 para sa unang semestre ng taon, batay sa inilabas na pagsusuri ng Department of Justice (DOJ). Ito ang ibinahaging impormasyon sa isang pahayagan online.


Pinamumunuan ni Mariam April Mastura ang Region 12 Prosecution Office bilang Officer-In-Charge (OIC), tanging Region 12 lamang ang nakapagtala ng ganitong mataas na marka, ayon sa apat na pangunahing performance indicators na nakasaad sa Department Circular (DC) 39 na inaprubahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Nobyembre 2023.


Ang apat na indicators ayon sa report ay kinabibilangan ng Case disposition na 40%. Ito ang dami at kalidad ng naresolbang kaso. Aging, 40% o ang bilang ng araw mula nang matanggap hanggang maaksyunan ang kaso, Success o conviction rate, 10%, at Timeliness, 10% o ang bilis ng pagtugon sa bawat reklamo.


Kasunod ng Region 12 sa ranking ang Region 10 o Northern Mindanao/Cagayan de Oro/Iligan City na nakakuha ng 4.98 points, Region 11 o Davao at Region 13 Caraga na nakakuha ng tig-4.97 puntos, Region 2 o Cagayan Valley na nakakuha ng 4.94 puntos, at Region 4B o Mimaropa at Region 7 Central Visayas/Cebu na nakakuha ng tig-4.91 puntos, ayon sa ibinahaging impormasyon.


Samantala, pumuwesto lamang sa ikapito ang National Capital Region o NCR na may 4.88 puntos, kasunod ng Region 8, Eastern Visayas, na nakapagtala ng 4.87 puntos.


Panghuli sa ranking ang Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) na nakakuha ng 4.71 puntos.


Itinalaga ni Secretary Remulla si Mastura bilang OIC noong Marso 28 kasunod ng pagreretiro ng regional prosecutor na si Al Calica.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page