top of page

ANTI-ILLEGAL OPERATIONS Mas pinaigting sa iba’t ibang bayan ng South Cotabato; P641,000 smuggled cigarettes, nasamsam

  • Apr 20
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa South Cotabato—

Mahigit ₱641,000 na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya, habang ilang suspek din ang naaresto sa pinaigting na anti-criminality operations ng SCPPO. Isinagawa ang magkakahiwalay na law enforcement operations sa lalawigan.


Sa Surallah, naaresto ang isang wanted person na kinilalang si alyas “War” dahil sa kasong Acts of Lasciviousness sa bisa ng warrant of arrest.


Kasabay nito, sa mga operasyon sa Lake Sebu, Norala, at Sto. Niño, naaresto ang ilang suspek sa anti-smuggling operation kung saan nakumpiska ang mga kontrabandong sigarilyo.


Sa Sto. Niño, tinatayang ₱641,760 ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled cigarettes.


Samantala, sa Tantangan, Polomolok, at Koronadal City, ilang drug suspects ang naaresto sa hiwalay na buy-bust operations kung saan narekober ang hinihinalang shabu at buy-bust money.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page