Apat na indibidwal, arestado matapos maaktuhan na nagpo-pot session sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest sa Monkayo, Davao de Oro
- Jan 9
- 1 min read
iMINDSPH

Apat na indibidwal ang tiklo ng pulisya matapos ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa isang indibidwal nang naaktuhan mismo ang umano’y pot session ng mga suspek.
Ayon sa Davao de Oro Police Provincial Office, nagsimula ang operasyon sa pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa isa sa mga suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Pagdating ng mga pulis sa nasabing bahay, nadatnan umano nila ang ilang indibidwal na aktibong gumagamit ng ilegal na droga, dahilan upang agad silang arestuhin.
Narekober ng awtoridad ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, at isang baril na may kasamang bala.
Agad na dinala sa Monkayo Municipal Police Station ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, at iba pang kaugnay na batas.



Comments