top of page

Arestado ang 3 indibidwal at nabuwag ang isang drug den sa Koronadal City, South Cotabato matapos ang isinagawang operasyon ng awtoridad

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Tatlong indibidwal kabilang na ang isang mekaniko ang naaresto habang nabuwag naman ang isang drug den sa isinagawang drug raid ng mga awtoridad kung saan nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱74,000.


Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Bon-Bon,” 36 anyos, isang mekaniko at itinuturong maintainer ng drug den; alyas “Maymay,” 21 anyos na empleyado ng den; at si Edelyn, 23 anyos, na umano’y bisita sa lugar.


Sa operasyon, nakumpiska ang tinatayang 11 gramo ng hinihinalang shabu, isang improvised glass tooter, mga bakas ng shabu sa mga bukas na sachet, isang 500-piso bill, at isang Android phone.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlong suspek para sa dokumentasyon at inquest proceedings.


Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency South Cotabato Provincial Office, katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit 12, PDEA 12 Regional Special Enforcement Team, at South Cotabato Provincial Police Drug Enforcement Unit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page