ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION Ang isang 29-anyos na lalaki sa Midsayap, Cotabato
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang isang 29-anyos na lalaki sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bem-Bem”, 29-anyos, may asawa at walang trabaho.
Naaktuhan ang pagbebenta ng 0.046 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱312.80. Narekober din ang buy-bust money.
Bandang alas-8:33 ng gabi ,araw ng Martes, March 3 nang isinagawa ang joint buy-bust operation ng mga operatiba sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 at iba pang law enforcement units.
Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa presensya ng mga testigo habang maayos na minarkahan at inimbentaryo ang mga nakumpiskang ebidensya.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa inquest proceedings.



Comments