ARESTADO Sa buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City ang isang 24-anyos na lalaki
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang 24-anyos na lalaki matapos maaresto sa buy-bust operation ng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Israel”, 24 anyos, lalaki, may-asawa, self-employed, Street Level Individual, at residente ng Purok 6, Esteros, Rosary Heights 9, Cotabato City.
Bandang alas-1:57 ng hapon, araw ng Linggo nang isinagawa ang buy-bust operation ng PS1-CCPO SDET, kasama ang CCPO-CMFC, CDEU-CCPO, 1404th RMFB14-A, CIT Cotabato, RIU 15, at PDEA Maguindanao Provincial Office.



Comments