top of page

ARESTADO SA ENTRAPMENT OPERATION Ang 2 indibidwal sa Baganga, Davao Oriental matapos mahuling nagta-transport ng umano’y smuggled cigarettes

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Abdula”, at “Badul”.


Naaktuhan ang mga ito sa pagta-transport at paghahatid ng mga umano’y smuggled cigarettes sa isinagawang entrapment operation.


Nakumpiska sa operasyon ang 40 master cases na naglalaman ng kabuuang 2,000 reams ng puslit na mga sigarilyo na nakabalot sa mga sako.


Tinatayang umabot sa ₱900,000 ang kabuuang halaga ng mga nasabat na sigarilyo.


Isinagawa ang operasyon March 3, 2026 ng mga operatiba ng Baganga Municipal Police Station sa koordinasyon ng Criminal Investigation and Detection Group Davao Oriental Provincial Field Unit.


Mahaharap ang mga suspek sa kasong smuggling at paglabag sa Graphic Health Warnings Law.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page