ARESTADO SA GUN-RUNNING Ang tatlong suspek sa entrapment operation matapos maaktuhan sa bentahan ng mga high-powered firearms
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga suspek na sina alyas "Abdulgapor", 40 anyos, self-employed; alyas "Bukhary", 47 anyos, self-employed at parehong residente ng Balabagan, Lanao del Sur; "Saripada", 35 anyos, driver at residente ng Brgy. Daguan, Kapatagan, Lanao del Sur.
Batay sa intelligence report, sangkot umano ang mga suspek sa gun-running activities kaya isinagawa ang entrapment operation sa tulong ng isang confidential informant.
Sa aktwal na transaksyon, nagkasundo umano ang mga suspek na ibenta sa poseur buyer ang dalawang high-powered firearms.
Narekober mula sa kanilang posesyon ang isang Colt 5.56 rifle, isang CIS 5.56 rifle, dalawang magazine assembly para sa 5.56, at labintatlong live ammunition ng parehong kalibre.
Nasamsam din ang isang truck, isang motorcycle na walang plaka, isang genuine 1,000 pesos buy-bust money at siyamnapu’t siyam na piraso ng boodle money.
Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit–Special Operations Group, kasama ang iba pang law enforcement units at Matanog Municipal Police Station.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa mga naarestong indibidwal.



Comments