top of page

Arestado sa ilegal na pagbebenta ng Sim Cards ang isang 38 taong gulang na babae sa Libungan, Cotabato Province

  • Feb 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang 38 anyos na babae ang arestado dahil sa ilegal na pagbebent ng sim cards online.


Kinilala ang inarestong babae sa alyas na “Rose”, 38 taong gulang.


Nahuli ang suspek dahil sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 11934 o SIM Registration Act kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Ayon sa ulat, natunton ang aktibidad ng suspek matapos mamonitor ng cyber patrolling ang isang Facebook account na nagbebenta ng mga rehistradong SIM cards online.


Sa operasyon, nakumpiska ang marked money at boodle money, isang DITO SIM card na ginamit bilang buy-bust item, 89 rehistradong DITO SIM cards, at isang Oppo N94 cellphone.


Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.


Ang operasyon ay pinangunahan ng mga elemento ng Cotabato Provincial Cyber Response Team (CPCRT–RACU 12) sa ilalim ni PCPT Jonie Ocampo, katuwang ang Midsayap Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Rey Salgado at sa superbisyon ni PCOL Alvin Martin, Chief ng Regional Anti-Cybercrime Unit 12.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page