ARESTADO SA ILLEGAL PETROLEUM TRADING ang 9 na indibidwal sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Navotas City
- Apr 8
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Navotas City —
Siyam indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad matapos mahuli sa ilegal na pagbebenta ng petroleum products sa Navotas Fish Port Complex. Ang mga naaresto ay pawang lalaki, edad 21 hanggang 57, na nagtatrabaho bilang mga driver, helper, at vessel captain.
Nahuli umano sa aktong nag-ooperate ang mga suspek at nabigong magpakita ng mga kinakailangang dokumento, dahilan upang sila ay agad na arestuhin.
Bandang alas-12:30 ng tanghali, araw ng Lunes, nang isagawa ang joint operation ng PNP Highway Patrol Group–RHPU NCR, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, at Department of Energy.
Nasamsam sa operasyon ang isang fuel tanker na may lamang humigit-kumulang 15,000 litro ng diesel at isang cargo vessel na ginawang makeshift depot na naglalaman ng tinatayang 50,000 litro pa.
Narekober din ang mga fuel hoses at pumping equipment, kung saan umabot sa kabuuang 65,000 litro ng diesel ang nakumpiska na tinatayang nagkakahalaga ng ₱9.75 milyon.
Dinala sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa mga batas laban sa ilegal na kalakalan ng petroleum products.



Comments