top of page

ARESTADO SA KASONG ATTEMPTED MURDER ang Top 10 Most Wanted Person sa pagsisilbi ng warrant of arrest

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Mlang, Cotabato —

Arestado ang isang Most Wanted Person na kabilang sa Top 10 Regional Level sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad kaugnay sa kasong attempted murder. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Ben”.


Isinilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa suspek para sa kasong attempted murder na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.


Ayon sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga, araw ng Huwebes, March 26 nang magsagawa ng operasyon ang tracker team ng Mlang Municipal Police Station katuwang ang CIDG Kidapawan City, PIT North Cotabato, RIU 12, PIU, CPPO, at GSKP MPS.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng GSKP MPS ang suspek habang hinihintay ang commitment order at sasailalim sa booking procedure at medical examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page