ARESTADO SA KASONG STATUTORY RAPE Ang Top 2 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Mabini, Davao de Oro
- Mar 9
- 1 min read
iMINDSPH

Ang suspek ay residente ng Barangay Anitapan, Mabini, Davao de Oro, nadakip ito ng mga operatiba ng Mabini Municipal Police Station sa ilalim ng Davao de Oro Police Provincial Office.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte kaugnay ng kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code.
Dinala ang suspek sa Mabini Municipal Police Station para sa booking, documentation, at kaukulang disposisyon.



Comments