Arestado sa Koronadal City sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa kasong murder
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Gurwinder”, 23-anyos, single, Top 8 Most Wanted Person regional level. Ang suspek ay transient resident ng Barangay Sta. Cruz, Koronadal City.
Inaresto ang suspek alas-3:30 ng hapon, araw ng Martes, February 24, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Agosto 19, 2025 para sa kasong Murder. Walang inirekomendang piyansa ang korte.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Koronadal City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at booking procedures bago iharap sa korte na naglabas ng warrant.
Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Koronadal City Police Station, Regional Intelligence Unit 12, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Charlie, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, 1205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, Provincial Intelligence Unit–SCPPO, at South Cotabato Highway Patrol Team.



Comments