top of page

Ayudang Medikal Alay sa Bangsamoro, naglaan ng ₱5M tulong pinansiyal sa Constantino Soriano Sr. Hospital sa Siocon, Zamboanga del Norte

  • Dec 29, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang turnover ng pondo noong Disyembre 18, 2025. Layunin nito na palakasin ang serbisyong pangkalusugan at tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente sa loob at labas ng rehiyon.


Ang fund transfer ay pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan bilang bahagi ng mga hakbang ng Bangsamoro Government para sa pagpapaunlad ng sektor ng kalusugan.


Sa pamamagitan ng pondong ito, inaasahang mas mapapalawak ng ospital ang kakayahan nitong magbigay ng serbisyong medikal at agarang tulong sa mga Bangsamoro na nangangailangan, lalo na sa mga sektor na may limitadong access sa healthcare.


Ayon sa Bangsamoro Government, ang pagkakaloob ng pondo ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapabuti ang kalidad, bilis, at lawak ng serbisyong pangkalusugan para sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page