BAA BARMM, lumahok sa 2nd Mindanao Infrastructure Summit na pinangunahan ng Mindanao Development Authority sa Cagayan de Oro City
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sa tema na “Building a Better Mindanao: Advancing Inclusive, Competitive, and Climate-Resilient Infrastructure”, tinipon ng MINDA sa two-day summit ang mga stakeholder mula sa national government, local government units at non-governmental organizations para palakasin ang kolaborasyon at i-angat ang infrastructure development at economic growth sa buong Mindanao.
Pinangunahan ni BAA Area Manager Carmencita Salik at Engineer Fahad Magdali, ang mga opisyal ng MOTC BARMM na aktibong nakilahok sa diskusyon hinggil sa sustainable at climate-resilient infrastructure initiatives para sa mga paliparan at transportation systems sa rehiyon.
Suportado ni MOTC Minister Termizie Masahud at BAA Director Atty. Ranibai Dilangalen ang naging paglahok ng ministry sa pagtitipon.



Comments