BAA, nagkasa ng 3 araw na Basic Incident Command System o BICS na nilahukan din ng CABB, CAAP, OTS at Philippine Airlines
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Sumailalim sa tatlong araw na Basic Incident Command System o BICS Training ang mga kawani ng Bangsamoro Airport Authority na nilahukan din ng Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro o CABB, Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, Office for Transportation Security o OTS, at Philippine Airlines.
Matagumpay na naisagawa ng Bangsamoro Airport Authority (BAA), katuwang ang Office of Civil Defense (OCD), ang 3-Day Basic Incident Command System (BICS) Training Course na ginanap sa Cotabato City.
Dinaluhan ito ng mga pangunahing tauhan mula sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa serbisyo ng air transportation, kabilang ang kinatawan mula sa BAA Cotabato (CBO), Sanga-Sanga at Jolo Airports, Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro (CABB), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Office for Transportation Security (OTS), at Philippine Airlines (PAL).
Layunin ng pagsasanay na magkaroon ng sapat na kaalaman at skills ang mga kawani sa pamamahala ng emergency incidents. Ipinakita rin sa mga partisipante ang iba’t ibang tools na ginagamit sa incident response systems at magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa trabaho ng responders.
Ipinaliwanag din sa mga kalahok ang operational framework na gabay sa emergency responses.
Dumalo sa programa si Ministry of Transportation and Communications (MOTC) Minister Termizie Masahud na nagpahayag ng buong suporta sa inisyatibang ito kasama sina BAA Director Atty. Ranibai Dilangalen, ATS Director Razulden Mangelen, at Area Manager Carmencita Salik.
Iginawad naman sa mga kalahok ang certificate of completion bilang patunay ng kanilang kahandaan na umusad sa susunod na antas ng pagsasanay para sa emergency preparedness at response.



Comments