BAA, nakibahagi sa Hajj Awareness Program ng NCMF
- Diane Hora
- Oct 28
- 1 min read
iMINDSPH

Dumalo ang Bangsamoro Airport Authority sa isinagawang Hajj Awareness Program na pinangunahan ng National Commission on Muslim Filipinos sa pamamagitan ng Bureau of Pilgrimage at NCMF–SOCCSKSARGEN, noong Sabado, a bente singko ng Oktubre.
Dinaluhan ito ng mga pangunahing opisyal at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at mga kinatawan mula sa opisina.
Layunin ng naturang programa na mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga proseso, regulasyon at paghahanda para sa Hajj pilgrimage.
Nagpasalamat naman si Ministry of Transportation and Communications – Bangsamoro Airport Authority Area Manager Carmencita Salik, sa NCMF sa pagsisikap na isulong ang ganitong inisyatiba para sa kapakanan ng mga Hajj pilgrims.
Patuloy ang suporta at dedikasyon ng MoTC–BAA, sa pangunguna ni Minister Termizie Masahud at BAA Director Atty. Ranibai Dilangalen, upang matulungan at mapangalagaan ang lahat ng Hajj passengers na dumaraan sa mga paliparan ng BARMM upang maisulong ang mapayapa at maayos na Hajj operations sa rehiyon.



Comments