Babae, arestado sa Anti-Smuggling Operation ng pulisya; Smuggled cigarettes, nasamsam
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang babae matapos mahulihan ng smuggled cigarettes sa isinagawang joint operation ng pulisya sa bayan ng Midsayap.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Ann”, nasa hustong gulang at residente ng Midsayap, Cotabato.
Naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation ng Midsayap Municipal Police Station, 2nd Mobile CPMFC, at CPPO–PIU matapos siyang mahulihan ng sampung (10) pakete ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱856.07.
Isinailalim sa medical examination ang suspek, at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law.



Comments