top of page

BABAE, ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa Tacurong City; ₱60k halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Tacurong City —

Arestado ang isang babae na Street Level Individual at mahigit ₱60,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion. Kinilala ang suspek sa alyas na “Linda”, 35 taong gulang, residente ng Brgy. Kalawag I, Isulan, Sultan Kudarat, at itinuturing na Street Level Individual.


Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 8.88 gramo.


Kabilang dito ang isang sachet na ginamit bilang buy-bust item na may bigat na 5.40 grams at isa pang sachet na may bigat na 3.48 grams.


Bukod dito, narekober din ang ilang non-drug evidence gaya ng isang mobile phone, isang sling bag, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at isasailalim sa laboratory examination.


Samantala, dinala rin sa Tacurong City Police Station ang suspek para sa booking at documentation.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page