Babae, arestado sa joint anti-smuggling operation ng pulisya; daan-daang reams ng smuggled cigarettes, nasamsam
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang babae matapos masamsaman ng mahigit ₱1.1M halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa isinagawang joint operation ng pulisya sa Barangay Lagao.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Sharon”, 69 taong gulang, may asawa, isang negosyante at residente ng naturang barangay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591.
Namataan ng mga operatiba sa plain view ang iba’t ibang uri ng hinihinalang smuggled foreign cigarettes. Nakumpiska ang kabuuang 1,292 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na may Bureau of Customs standard value na ₱1,105,538.56.
Dinala ang suspek sa Police Station 6 para sa kaukulang disposisyon, habang ang mga nasamsam na sigarilyo ay itinurn-over sa Bureau of Customs para sa tamang aksyon.



Comments