top of page

BABAE, ARESTADO Sa kasong grave threats matapos ipatupad ng awtoridad ang warrant of arrest

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang akusado na si alyas “Raihan”, residente ng Purok Nara, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.


Isinagawa ang pag-aresto ng Tracker Team ng Police Station 3 kasama ang Regional Anti-Cybercrime Unit BAR sa isinagawang manhunt operation.


Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 33 sa Butuan City kaugnay ng kasong Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code na ginawa gamit ang Information and Communication Technology alinsunod sa Cybercrime Prevention Act of 2012.


May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng labing walong libong piso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Dinala ang akusado sa Police Station 3 Custodial Facility para sa booking, documentation, at kaukulang disposisyon habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page