BABAE, ARESTADO SA OPERASYON hinihinalang shabu, nasamsam
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City —
Arestado ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kaugnay ng ilegal na droga. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Tomboy”, 42 anyos, residente ng Purok Lawaan, Mother Bagua, Cotabato City.
Bandang alas-8:15 ng gabi, araw ng Miyerkules, March 25, nang isinagawa ang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit kasama ang Police Station 1 sa koordinasyon ng PDEA BARMM.
Matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.08 gramo at may standard drug price na ₱544.
Agad na inaresto ang suspek matapos ang transaksyon at narekober mula sa kanyang posesyon ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.
Ang suspek ay sasailalim sa booking procedure, medical examination, at drug test.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa forensic unit para sa pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek.



Comments