top of page

BABAE AT 2 PANG INDIBIDWAL, TIMBOG sa buy-bust operation matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa General Santos City

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa General Santos City —

Arestado ang tatlong indibidwal kabilang ang isang babae sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Albert”, 38-anyos, residente ng Brgy. Fatima, GSC; alyas “Joshua”, 24 years old, residente ng Brgy. Dadiangas West, GSC; at alyas “Martha” 35-anyos, residente ng Brgy. Fatima, GSC.


Matagumpay na nakabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa target na suspek.


Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang mga suspek. Sa isinagawang search, narekober ang dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu na may tig-50 gramo, at dalawang maliliit na sachet na may tig-0.5 gramo.


Umabot sa kabuuang 101 gramo ang nasamsam na hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱690,200. Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱1,000, kasama ang iba pang personal na gamit tulad ng mga bag, cellphone, lisensya, at kaunting halaga ng pera.


Ang lahat ng ebidensya ay isinailalim na sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 12.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 5 sa General Santos City ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page