top of page

BABAE Module Session on Women’s Rights and Related Laws on Community-Based Women Empowerment ng MSSD, isinagawa sa Barangay Kadingilan, Nabalawag

  • Diane Hora
  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ng MSSD ang BABAE Module Session on Women’s Rights and Related Laws on Community-Based Women Empowerment sa Barangay Kadingilan, Nabalawag, SGA, noong Pebrero 3, 2026.


Lumahok dito ang tatlumpu’t limang mga babae mula sa pitong barangay ng bayan. Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang usapin kaugnay ng karapatan ng kababaihan at mga kaugnay na batas, na pinangunahan ni Police Corporal Lanie Paraiso.


Nagkaroon din ng presentasyon tungkol sa Dawah o ganap na pagtanggap sa pananampalatayang Islam, na ibinahagi ni Ustadz Mastura Akas.


Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan at itaguyod ang isang lipunang ligtas, may pagkakapantay-pantay, may boses, at may kakayahang magpasya para sa sariling buhay ang bawat babae.


Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng MSSD laban sa Violence Against Women and Children (VAWC) at Gender-Based Violence.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page