BABAE NA PASAHERO NG BUS, ARESTADO Matapos masamsam ng awtoridad sa checkpoint operation sa Kapatayan, Lanao del Sur nang P126K halaga ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang babae na pasahero ng bus matapos mahulihan ng mahigit ₱126-K halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint operation sa Kapatagan.
Sakay umano ng Rural Transit Bus ang suspek patungong Cotabato city nang nang ito ay inspeksyunin sa checkpoint.
Sa isinagawang paghalughog sa luggage compartment ng bus, nadiskubre ng mga awtoridad ang 148 reams ng White Fort cigarettes na pinaniniwalaang smuggled at may tinatayang halagang Php 126,640.64.
Ang Anti-Criminality Checkpoint ay isinagawa ng mga tauhan ng Kapatagan Municipal Police Station at 1402nd RMFB 14-A sa Barangay Daguan, Kapatagan, Lanao del Sur.
Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin ang labingwalong (18) pares ng assorted slippers.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kapatagan MPS ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon, booking procedures, at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warning on Tobacco Products at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.



Comments