Babae na Top 10 Most Wanted Person ng Cotabato City, arestado sa manhunt operation kaugnay ng kasong paglabag sa RA 9165
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang babae na Top 10 Most Wanted Person ng lungsod matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Kilala ang suspek sa alyas na “Pahima”, may asawa at residente ng lungsod.
Isinagawa ang pag-aresto matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen, na nagresulta sa pagtugis at pagsilbi ng warrant of arrest laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00.
Dinala ang suspek sa Cotabato City Police Office para sa wastong dokumentasyon at karampatang legal na disposisyon.



Comments