Babaeng chinese national na Most Wanted Person, arestado sa bisa ng warrant of arrest sa Davao City
iMINDSPH

Arestado ang isang babaeng Chinese national na Most Wanted Person matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay sa 4 counts ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law.
Inaresto ang suspek bandang 8:28 ng gabi, araw ng Martes, January 13, sa KM 9, Paradise Road, Sasa, Davao City ng mga tauhan ng Police Station 4–Sasa.
Ang suspek ay isang 40-anyos na babaeng Chinese, negosyante, na nahaharap sa 4 counts na paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law sa ilalim ng Criminal Case Nos. M-MNL-24-04053-CR hanggang M-MNL-24-04056-CR.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Metropolitan Trial Court, Branch 3, Manila, na may petsang September 1, 2025, na may inirerekomendang piyansa na ₱120,000.00 kada kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sasa Police Station 4 ang suspek para sa tamang dokumentasyon at kaukulang legal na disposisyon.



Comments