Babaeng High-Value Individual, at isang lalaki, arestado sa Tacurong City; ₱127K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang dalawang indibidwal, kabilang na ang isang tricycle driver, matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga sa anti-illegal drug buy-bust operation.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Aira”, 27 taong gulang, isang High-Value Individual, at alyas “Okoy”, 34 taong gulang, isang tricycle driver na itinuturing na Street-Level Individual. Parehong residente ng Barangay Bilumin, Lambayong, Sultan Kudarat.
Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat at kontrol ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 18.75 gramo na may national standard drug price na ₱127,500.00, at ang iba’t ibang drug paraphernalia, mga personal na gamit, isang unit ng Kawasaki Bajaj motorcycle, at ₱1,000.00 buy-bust money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Tacurong City Police Station para sa wastong dokumentasyon, imbestigasyon, at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments