BABAENG MALAYSIAN NATIONAL, ARESTADOSa interdiction operation sa NAIA kung saan nakumpiska ng awtoridad ang ₱102-M suspected shabu
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Pasay City —
Arestado ang isang babaeng Malaysian national matapos makumpiskahan ng mahigit ₱102 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug interdiction operation sa NAIA. Inaresto ang isang Malaysian female passenger matapos madiskubre sa kanyang bagahe ang tinatayang 15,024 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa ₱102,163,000.
Sa ulat ng Philippine National Police, dakong 12:47 ng madaling araw, March 20, nang isagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at ng Aviation Security Unit ng PNP Aviation Security Group sa Arrival Lobby Custom X-Ray Area ng NAIA Terminal 1.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng koneksyon nito sa drug syndicate.



Comments