Babaeng vendor, arestado sa buy-bust operation sa Isulan, Sultan Kudarat, kung saan nasamsam ang mahigit ₱103,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam
- Dec 30, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang babaeng vendor matapos masamsam ang mahigit isang daang libong pisong halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang buy-bust operation ng Police Regional Office 12.
Isinagawa ang buy-bust operation bandang 2:13 ng hapon, Disyembre 27, 2025, sa Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Mira,” 30 anyos, single at residente ng Isulan. Inaresto siya matapos makabili ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng dalawang pakete ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱120.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Isulan Municipal Police Station at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, katuwang ang RID 12 Tracker Team Delta at RMFB 12 sa ilalim ng Special Task Force “PLUTUS,” sa koordinasyon ng Bureau of Customs–General Santos City.
Isinagawa ang marking at inventory ng mga nasamsam na ebidensya sa lugar ng insidente sa presensya ng barangay officials at kinatawan ng media. Dinala ang suspek sa Isulan Municipal Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 10643 o Graphic Health Warning Law laban sa suspek.



Comments