top of page

Baggage conveyor sa Awang Airport, operational na ayon sa Bangsamoro Airport Authority; rehabilitasyon sa comfort rooms sa check-in pre-departure at arrival areas, nagpapatuloy

  • Diane Hora
  • 15 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inanunsyo ng Bangsamoro Airport Authority ang mga Infrastructure Improvements sa Awang Airport.



Sa ngayon, ayon sa BAA, magagamit na ng mga pasahero ang baggage conveyor sa Awang Airport, habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng comfort rooms sa check-in, pre-departure, at arrival areas.



Pansamantala ring binuksan ang VIP lounge restrooms para sa mga departing passengers habang meron namang portable toilet para sa mga parating na pasahero.


Kabilang din sa mga inaayos ang prayer room sa paliparan at installation ng solar lights sa pasilidad ng paliparan.


Isinasagawa rin ang rehabilitasyon ng mga vital areas sa Sanga-Sanga at Jolo airports.


Ito’y sa ilalim ng pamumuno ni MOTC Minister Atty. Paisalin Tago at suporta ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page