Ilang kumander ng MILF at MNLF, nanawagan sa BTA na tiyaking patas ang representasyon sa mga Bangsamoro Communities sa isinusulong na parliamentary redistricting sa BARMM
- Diane Hora
- 10 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ika-pitong public consultation na isinagawa ng Committee on Local Government o CLG at Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws o CARCL, hinggil sa isinusulong na Parliament Bill Nos. 351 at 347 kaugnay sa reconfiguration ng 32 parliamentary districts sa BARMM-

Nanawagan ang ilang kumander ng Moro Islamic Liberation Front at
Moro National Liberation Front na tiyakin ang patas na representasyon sa mga komunidad ng Bangsamoro at bigyang dangal ang sakripisyo na inialay ng mga nakibaka para sa self-determination.
Ang redistricting ay kasunod ng Supreme Court ruling kung saan hindi na kabilang sa rehiyon ang lalawigan ng Sulu. Kaya kinakailangan ng batas para sa reapportionment ng pitong parliamentary district na dati ay laan sa Sulu.
Sa kabila ng naging desisyon ng Korte Suprema, umaasa ang mga MILF at MNLF Commanders na maibalik ang probinsya sa BARMM na anila ay mahalagang parte sa kasaysayan ng Bangsamoro.
Binigyan diin ni Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws o CARCL Sittie Fahanie Uy-Oyod na hangad din ng parliament ang pagkakaisa at inclusion, pero binigyang diin nito na ang anumang hakbang hinggil sa reintegration ng Sulu sa BARMM ay may kinakailangang sundin na legal na proseso.
Sinabi naman ni Local Government Committee Chair Atty. Naguib Sinarimbo na nagsagawa ng serye ng konsultasyon ang dalawang komite para matiyak ang
inclusive at informed decision-making.
Comentários