Bagong acting Chief of Police ng Sultan Mastura MPS pormal na nanumpa; Leadership transition pinagtibay ng PNP at LGU
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Maguindanao del Norte Provincial Director, PCOL Victor Rito, ang Assumption of Office ni PMAJ Albert Carbungco, bilang Acting Chief of Police (ACOP) ng Sultan Mastura Municipal Police Station, araw ng Biyernes, January 16, 2026.
Isinagawa ang seremonya sa Barangay Tapayan, Sultan Mastura, bilang bahagi ng maayos at tuloy-tuloy na paglipat ng pamumuno sa hanay ng kapulisan na isang mahalagang hakbang ayon sa LGU upang masiguro ang walang patid na police operations at public safety services sa munisipalidad.
Nasaksihan ang aktibidad nina PLTCOL Datutulon Pinguiaman, Chief ng PARMU, at Datu Rauf Mastura, Municipal Administrator ng Sultan Mastura, na higit pang nagpatibay sa ugnayan ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan sa pagpapatatag ng kapayapaan at kaayusan.
Ayon sa MDNPPO, ang assumption of office ay hindi lamang seremonyal kundi isang legal at administratibong proseso na pormal na naglilipat ng command authority, nagsisiguro ng tuloy-tuloy na serbisyo ng pulisya, at nagpapalakas ng public accountability at tiwala ng komunidad sa pamamagitan ng transparent na leadership transitions na may saksi mula sa kapulisan at sibilyang pamahalaan.
Ang pagtatalaga kay PMAJ Carbungco bilang Acting Chief of Police ay inaasahang magpapatuloy sa mga inisyatiba ng PNP para sa mas mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo, alinsunod sa adbokasiya ng MDNPPO para sa isang ligtas at maayos na Maguindanao del Norte.



Comments