top of page

Bagong BTA Speaker Mohammad Yacob, pamumunuan ang BTA Parliament ng tapat, patas at may paggalang sa batas; Pagkakaisa, kapayapaan at development sa rehiyon, isusulong ng bagong BTA speaker

  • Diane Hora
  • Oct 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matapos ninomina at nakakuha ng 48 yes votes, 21 no votes at 1 abstension, inihalal bilang bagong speaker ng Bangsamoro Transition Authority Parliament si BARMM Senior Minister Mohammad Yacob, sa pagbabalik sesyon ng mga miyembro ng BTA, araw ng Martes, October 21.


Si Yacob, ang isa sa mga senior leader ng Moro Islamic Liberation Front, ang nag-iisang nominado para sa naturang posisyon sa plenary session ng Parliament na dinaluhan ni Interhim Chief Minister Abulraof Macacua.


Ang pagkahalal nito ay bahagi ng reorganisasyon ng liderato ng parliament kasunod ng pagpanaw ni Speaker Balindong, isa sa mga pioneering leaders ng Bangsamoro Transition Government.


Ayon kay Interim Chief Minister Macacua, ang posisyon ng Speaker ay isang “sacred trust” — isang tungkuling nagsisilbing daluyan ng kolektibong kalooban ng Parliament na pinangungunahan ng katarungan, kababaang-loob, at karunungan.


Sa kanyang unang talumpati bilang Speaker, nangako si Speaker Yacob na patitibayin ang transparency, itataguyod ang principled governance, at sisiguraduhing mananatiling tapat ang Parliament sa mandato nitong maglingkod sa Bangsamoro people.


Mula nang italaga bilang mambabatas noong 2019, aktibo si Yacob sa pagsusulong ng mga patakaran para sa halal industry, agricultural development, at food security.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page