Bagong covered court na may stage, itinurn over ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Omar Yasser Sema at MBHTE sa Barangay Nangi, Upi, Maguindanao del Norte
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH

Muling ibinahagi ng MBHTE ang itinurn-over na proyekto noong December 19, 2025.
Bahagi umano ito ayon sa ministry sa pagpapalakas ng mga pasilidad pang-edukasyon sa Bangsamoro.
Ang proyekto, na may kabuuang halagang ₱4,389,891.90, ay pinondohan sa ilalim ng 2024 Supplemental Budget sa pangunguna ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), na may suporta mula sa tanggapan ni BTA Deputy Speaker Omar Yasser Sema.
Ayon sa MBHTE, ang bagong covered court ay magsisilbing mahalagang pasilidad para sa physical education activities, school programs, assemblies, at iba pang aktibidad na nagtataguyod ng holistic development ng mga mag-aaral. Inaasahan ding magiging sentro ito ng mga community activities na makatutulong sa mas malapit na ugnayan ng paaralan at pamayanan.
Binigyang-diin ng kagawaran na ang proyekto ay bahagi ng tuloy-tuloy nitong pagsisikap na magpatupad ng mga infrastructure programs sa iba’t ibang school divisions sa rehiyon, na layong mapabuti ang learning environment at kabuuang karanasan ng mga Bangsamoro learners.
Dagdag pa ng MBHTE, ang ganitong mga pasilidad ay hindi lamang tumutugon sa pangangailangang pisikal ng mga paaralan, kundi nagsisilbi ring puhunan sa paghubog ng disiplina, teamwork, at talento ng mga kabataan sa larangan ng sports at kultura.
Ayon sa ministry, ang turnover ng proyekto ay sumasalamin sa paninindigan ng pamahalaan sa mga adhikaing One MBHTE, No Bangsamoro Learner Shall Be Left Behind, at Learning Without Exception, bilang gabay sa patuloy na pagpapalawak ng dekalidad at inklusibong edukasyon sa Bangsamoro.



Comments