BAGONG LIDERATO SA SENADO!
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal nang nanumpa si Senate President Vicente Sotto III bilang bagong pinuno ng mataas na kapulungan ng kongreso.
Sa sesyon, araw ng Lunes, September 8, nagmosyon si Senador Juan Miguel Zubiri na ideklarang bakante ang senate presidency saka ni-nominate si Sotto bilang senate president.
Ninomina naman si Zubiri at inihalal na Majority Floor Leader.
Ito ang ika-apat na pagkakataon na naging Majority Leader ng Senado ang opisyal.
Inihalal naman bilang Senate President Pro Tempore si Senator Ping Lacson na pamumunuan na rin ang Blue Ribbon Committee kapalit ni Senator Rodante Marcoleta.
Ang change of leadership sa Senado ay naganap sa kasagsagan ng pagdinig hinggil sa kontrobersiya sa flood control projects.



Comments