top of page

Bagong Provincial Police Director ng Maguindanao Del Norte, pormal nang umupo sa pwesto

  • Diane Hora
  • Oct 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa isang seremonya, pormal nang umupo bilang bagong Provincial Police Director ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office si Police Colonel Vitor Rito.

Pinangunahan ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, Deputy Regional Director for Administration PBGEN Alan Manibog, ang pag-install kay PCol. Rito bilang bagong hepe ng MDN PPO.

Sinaksihan din ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura at iba pang mga opisyal ng lalawigan na nagpaabot ng kanilang suporta sa bagong liderato ng PNP sa probinsya.

Sa ilalim ng liderato ni PCol. Rito, pagtutuunan nila ang kanilang pagpapatatag ng ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, katuwang ang ahensya at mga stakeholder upang mas mapaigting pa ang kaligtasan at kaayusan sa probinsya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page