top of page

Bagong silid-aralan, school pathways, peace center at transformer para sa maayos na supply ng kuryente, itinurnover ng MBHTE sa tatlong eskwelahan sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • Oct 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro region, isang bagong tayong one-storey building na may dalawang classrooms at dalawang konkretong school pathways ang ipinagkaloob ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa Barangay Campo Muslim, Cotabato City noong October 10, 2025.


Ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱7,773,903.048, na pinondohan sa ilalim ng Special Budget 2025 ni Member of Parliament Atty. Elijah Dumama-Alba.


Nais ng MBHTE na mapaunlad ang learning environment ng mga mag-aaral at guro sa lugar.


Ang bagong gusali at mga pathway ay magbibigay ng mas maayos, ligtas at komportableng daan para sa mga mag-aaral, habang nag-aambag sa pagpapabuti ng access at kalidad ng edukasyon sa Cotabato City.


Samantala, nitong October 15 naman ay itinurnover ang bagong tayong two-storey Peace Center sa Cotabato State University.


Ang proyektong ito, na may kabuuang halagang ₱4,984,000.00, ay naisakatuparan sa tulong ni dating Member of Parliament Engr. Aida Silongan.


Ang bagong Peace Center ay magsilbing sentro ng mga programa sa peace education, research initiatives at mga collaborative activities na magpapalakas sa inklusibong pag-unlad ng Bangsamoro.


Nitong a dise siete naman ng Oktubre, isinagawa ang turnover ceremony para sa bagong 3-phase, 4-wire Wye connection na may tatlong 75 kVA distribution transformers sa Bangsamoro Stand-Alone Senior High School.


Ang proyekto, na nagkakahalaga ng ₱4,108,048.00 ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro 2024, ay naglalayong magbigay ng matatag at maaasahang suplay ng kuryente sa paaralan.


Sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto, patuloy na isinusulong ng MBHTE ang adhikaing “No Bangsamoro Learner Shall Be Left Behind.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page