top of page

BAGONG VETERINARY DIAGNOSTIC LABORATORY MACHINES dumating na sa lalawigan ng Maguindanao del Norte na magagamit para palakasin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga hayop

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Ayon sa tanggapan, handa na ang mga makabagong kagamitan na magsagawa ng mas mabilis, mas tumpak, at mas maaasahang pagsusuri para sa iba’t ibang uri ng hayop.


Kabilang sa mga serbisyong inaalok ang ultrasound o ultrasonography, microscopic examination tulad ng stool examination, urinalysis, ear swabbing, skin scraping, at direct blood smear, pati na ang blood chemistry analyzer at complete blood count (CBC).


Sinabi ng tanggapan na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiyang ito ay bahagi ng kanilang layunin na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga hayop sa komunidad.


Ipinahayag din na naisakatuparan ang proyektong ito sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng veterinary services sa lalawigan.


Hinihikayat naman ang mga livestock raisers at iba pang stakeholder na samantalahin ang serbisyong ito para sa mas maayos na pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page