Bakuna Eskwela, ikinakampanya ng LGU Sultan Mastura sa buong bayan para protektahan ang mga kabataan laban sa sakit na maaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna
- Diane Hora
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinapaalam ng Rural Health Unit ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang pagsasagawa ng “Libreng Bakuna, Iwas-pag-alala? Tara na! sa Bakuna Eskwela!”.
Kaisa ng pagsusulong ng kampanya ang 13 Punong Barangay sa bayan na isinailalim sa orientation.
Ang Bakuna Eskwela ay isang pambansang programa na LIBRE para sa lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Layunin nitong maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Ang mga Grade 1 at Grade 7 learners ay tatanggap ng Measles-Rubella o MR at Tetanus-Diphtheria.
Ang Grade 4 na mga babae o 9 taong gulang pataas ay tatanggap ng Human Papillomavirus o HPV vaccine bilang proteksyon laban sa cervical cancer.
Target nitong maabot ang milyun-milyong mag-aaral sa buong bansa, kabilang ang mga kabataan sa Sultan Mastura.
Sa paaralan ito isinasagawa dahil ayon sa programa,
• Mas madaling maabot ang mga bata.
• Naiiwasan ang absences dahil napoprotektahan laban sa sakit.
• Nakatutulong sa mga magulang na makatipid ng oras at gastusin.
Ayon sa programa, sa pamamagitan ng Bakuna Eskwela, napapalakas ang kalusugan ng mga mag-aaral, napapanatili ang tuloy-tuloy nilang pag-aaral, at naipapakita ang malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng bawat kabataan.
Abangan ang “LIBRENG BAKUNA, IWAS-PAG-AALALA: Tara na sa Bakuna Eskwela!” ay gaganapin ngayong buwan ng Oktubre sa iba’t ibang barangay ng Sultan Mastura, sa pakikipagtulungan ng IPHO-Maguindanao del Norte.
Mag antabay lamang sa opisyal na anunsyo ng iskedyul ng pagbabakuna sa inyong barangay!



Comments